Thursday, May 10, 2012
Simula nang Paggawa ng Journal
May 10, 2012
Pagkatapos kong magbasa nang libro ni Bob Ong kanina parang na inspired na ako na gumawa nang Journal ko;
o sabihin na nating talambuhay ko, Hindi ko nga lang alam kung hanggang kelan ko to gagawin pero since
inspired pa ako ngayon... Itotodo ko na to!
Pagising ko sa bahay nang Barkada ko kanina alas 7:06 nang umaga. Nagmadali akong umuwi sa bahay para maligo.
Pagdating ko, nakita ko si Teklay (Asawa ko) na tulog pa; Ahm siyanga pala Tawag niya sakin (Ungas).. masayahin
daw kasi ako pasaway, at minsan topakin. HIndi ko na naabutan si King ( Anak ko) baka nasa puwesto na namin sa Pier 1.
Pagpasok ko, wala halos trabaho. hindi na rin ako masyadong nakikipag-usap sa mga katrabaho ko. Oo minsan siguro,
pero if needed lang talaga. Noong natapos ko na yung pinapaencode sa akin nang Taga PAGASA. Nag Online ako at ininform
ko si Auntie Apen (Kapatid ni Mama na matagal nang nakabased sa Germany) na pinadala na sa kin ni
Auntie Jen (Bunsong Kapatid ni Mama) yung perang hiningi ko.
So fa, masaya ko at ito alas 5:44 na naghihintay akong mag alas siete para umuwi na sa bahay. kala ko matatapos na dito
Journal ko. pero biglang dumating si Mr. PAGASA. nagpaprint ng pinaencode niya. Since na curious ako kung uulan sa May 24
tinanong ko siya b-day kasi yun ni Aya (nang anak nang Amo. Natawa lang ako sa sinabi niya kasi dahil daw nagtanong ako
hindi na raw pauulanin sa May 24. Natawa naman ako.. as if naman hawak ni niya at kontrolado ang takbo nang panahon diba..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment