Sunday, May 13, 2012
Friday May 11, 2012
Well, kaya ako nakasulat ngayon kasi wala pang masyadong trabaho, nagchika-chika kasi mga katrabaho ko (Sam & Saryo)
tsaka yung amo namin si Ate Meryl.
Grabeeh!, pagising ko kanina parang may hang over pa ako. Alas siete na ko nagising, nag-inuman kasi kami kagabi nang mga kabarkada ko sa Casa Cristina. Ginisig na nga lang ako ni Gerald (Bestfriend ko) kasi medyo napasarap ang tulog ko sa Mesa. Pagbaba namin. Tinanong niya ako kung gusto ko daw kumain nang tapsilog. Hindi ko sure kung ano ang sinagot ko. OO yata yun eh.. hehehe. hindi ko na maalala kasi hanggang ngayon may Hang over pa rin ako but still pumasok pa rin ako sa work.
Kanina pagkatapos kong Mag-encode Medyo sumama tiyan ko, Kaya umuwi muna ako sa bahay. nagdownload ng sama ng loob then kumain. Habang kumakain ako. Kinukulit ako ng Pusa namin si MingMing nagugutom yata. Feeling ko kasi sakin lang maamo yung pusang yun eh.. ewan ko ba. Pinakain ko siya ng Tirra kong pagkain kunti lang din naman kinain ko kasi wala akong gana. Kaya lang naman ako kumain para malamnan tiyan ko, Bago ako Uminom ng gamot. Gamit ko "Diatabs" Medyo masama kasi tiyan ko.
Siyanga pala nakuha ko na padala ng Auntie ko pero feeling ko magagastos ko lang to sa mga walang kuwentang bagay
Thursday, May 10, 2012
Simula nang Paggawa ng Journal
May 10, 2012
Pagkatapos kong magbasa nang libro ni Bob Ong kanina parang na inspired na ako na gumawa nang Journal ko;
o sabihin na nating talambuhay ko, Hindi ko nga lang alam kung hanggang kelan ko to gagawin pero since
inspired pa ako ngayon... Itotodo ko na to!
Pagising ko sa bahay nang Barkada ko kanina alas 7:06 nang umaga. Nagmadali akong umuwi sa bahay para maligo.
Pagdating ko, nakita ko si Teklay (Asawa ko) na tulog pa; Ahm siyanga pala Tawag niya sakin (Ungas).. masayahin
daw kasi ako pasaway, at minsan topakin. HIndi ko na naabutan si King ( Anak ko) baka nasa puwesto na namin sa Pier 1.
Pagpasok ko, wala halos trabaho. hindi na rin ako masyadong nakikipag-usap sa mga katrabaho ko. Oo minsan siguro,
pero if needed lang talaga. Noong natapos ko na yung pinapaencode sa akin nang Taga PAGASA. Nag Online ako at ininform
ko si Auntie Apen (Kapatid ni Mama na matagal nang nakabased sa Germany) na pinadala na sa kin ni
Auntie Jen (Bunsong Kapatid ni Mama) yung perang hiningi ko.
So fa, masaya ko at ito alas 5:44 na naghihintay akong mag alas siete para umuwi na sa bahay. kala ko matatapos na dito
Journal ko. pero biglang dumating si Mr. PAGASA. nagpaprint ng pinaencode niya. Since na curious ako kung uulan sa May 24
tinanong ko siya b-day kasi yun ni Aya (nang anak nang Amo. Natawa lang ako sa sinabi niya kasi dahil daw nagtanong ako
hindi na raw pauulanin sa May 24. Natawa naman ako.. as if naman hawak ni niya at kontrolado ang takbo nang panahon diba..
Subscribe to:
Posts (Atom)